Kahinaan At Kalakasan Ni Cupid

Kahinaan at kalakasan ni cupid

Answer/Explanation:

ga link na ito:

Ano po ang kahinaan at kalakasan ni cupid at psyche - brainly.ph/question/123684

 

 

 

 

: Ano ang tatlo kahinaan at kalakasan ni Cupid?

 

Kahinaan: ang kagandahan ni Psyche, nagkubli sa sariling niyang asawa, nagkaroon ng galit at nagtampo, ang pagdududa at pagtataksil ng kanyang asawang si Psyche

 

Kalakasan: pag-ibig, pasensyoso, may sariling desisyon, may paninindigan, mapagkumbaba, pinahahalagahan ang damdamin ng iba

 

 

 

Paliwanag sa mga Kalakasan at Kahinaan ni Cupid:

 

Kalakasan ni Cupid ang pagkakaroon ng mahabang pasensya kay Psyche habang nagkukubli ng totoong katauhan.  Hinayaan din niyang kumilos nang kusa at malaya ang asawang si Psyche para siya mismo ang mag-desisyon nang gusto niyang gawin sa kanyang buhay kahit na batid na niya na ikapapahamak nila bilang mag-asawa ang mga hinihiling ni Psyche. Hinayaan niyang maging rasyonal si Psyche.

 

Kalakasan din kung ituturing ang pagkakaroon ni Cupid ng mga sariling desisyon habang naninindigan. Naging napakapakumbaba ni Cupid kay Psyche at mayroon siyang pagpapahalaga sa mga nararamdaman ng mga tao. Ang kanyang kapangyarihan, ang pag-ibig na mapagpatawad at walang kundisyon, ang naging isang pinakamahusay na kalakasan ni Cupid bilang isang diyos.

 

Kahinaan ni Cupid si Psyche at ang kagandahan nito dahil nabighanisiya sa karismang taglay ng dalaga. Ito ang naging dahilan ng pagsuway ni Cupid sa kanyang inang siVenus. Nagsinungaling siya sa kanyang ina. Isa rin sa mga naging kahinaan ni Cupid ay ang pagdududa at pagtataksil ni Psyche.  Naging kahinaan ito ni Cupid dahil nawalan siya dito ng pasensya at awa.


Comments

Popular posts from this blog

Maikling Talambuhay Ni David Ricardo At Ang Kanyang Konribusyon Sa Ekonomiks

What Is The Important Of Agriculture In Human Life? Explain In 3 To 4sentences

Kasaysayan Ng Pgmnhs